Archive for September, 2009

bakit kaya?

bakit kaya may mga bagay sa buhay natin na hindi natin makalimutan?

lalo na yung mga masasamang bagay na nangyari satin..

minsan mas ok isipin yung mga masasayang bagay kesa sa masasama..

pero minsan hindi sapat yung mga masasaya para kalimutan yung masasama..

magulo ba? hehe..

“MOVE ON” yan lagi kong sinasabi sa sarili ko.

pero everytime na pinipilit kong maka move on, parang isang kumunoy na habang pinipilit mong maka alsa, mas nilalamon ka.

pero gaya rin ng isang kumunoy, hindi ka makakaahon ng mag isa..

kailangan mo ng isang tao na tutulong sayo para makaalis ka dun sa kinalalagyan mo..

oh ayan! hindi ko lang yan kinopya sa kung saan saan! galing talaga yan sa puso ko! ahahaha!

basta msasabi ko, wag mong pilitin kung hindi mo pa talaga kaya..

hindi kaya eh bat mo pipilitin? ahaha! gulo!

wala namang ibang makakaintindi sayo kundi yung sarili mo at mga taong nakadanas na ng pinagdadaanan mo.

kailangn mo ng suporta..pag intindi.. at higit sa lahat, yung pagmamahal..

pero kung wala ka nun, bumili ka! marami yan sa tindahan ni aling nena!

hahahaha!

wala nakong masabi.. anu ba yan! hihi..

ganto nalang.. bigla nalang mawawala!

….

….

….